Ex-professor sa Cotabato, nag-sorry matapos ipangalan sa kaniya ang thesis ng dating estudyante

Ex-professor sa Cotabato, nag-sorry matapos ipangalan sa kaniya ang thesis ng dating estudyante

Naglabas ng public apology ang isang dating propesor ng University of Southern Mindanao (USM) sa Kabacan, Cotabato, matapos niyang i-publish ang thesis ng dati niyang estudyante na nakapangalan sa kaniya.

Ayon sa ulat ng Unang Balita mula sa GMA Regional television One Mindanao nitong Huwebes, inamin ng dating propesor na mali ang kaniyang ginawa at nangakong hindi na ito mauulit.

Sinusubukan pa ng GMA Regional television na makuha ang panig ng dating estudyante.

Ayon naman sa Department of English Language and Literature ng USM, hindi nila alam na nag-publish ng thesis ang dating propesor.

[T]he Department has no understanding of the matter up until a grievance was submitted,” sabi ng USM sa isang pahayag.

Sa ngayon ay nagkaayos na raw ang magkabilang panig.

“We motivate the general public to stop creating their own truths since the plaintiff and participant have actually currently reached an equally appropriate settlement,” anang USM.— KBK, GMA Integrated News

Learn more

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *